Ang hirap ipaliwanag ng aking nararamdaman sa tuwing nakikita ko sa telebisyon man o sa mga larawang naka post sa ibat ibang social media site. Nakakapang hina pag masdan ang mga kababayang kong tila wala na pagasa makabangon muli pero nilalagay ko sa isip ko di pwede basta tayo susuko pilipino pa!
sambit ko nga sa sarili ko. Masakit isipin paano kong sarili kong pamilya ang dumanas ng ganitong delubyo di ko yata mapapatawad sarili ko kung may mangyayari sa kanila. Hays. Kakatapos lang ng gulo sa Zamboanga, Nasundan ng mapanirang lindol sa bohol tapos eto pa ang deubyong dala ng Bagyong #Yolanda na tila ba isang pagpapadama ng kalikasan na dapat na gumising ang samabayanan at iwasan na ang matinding pag abuso sa kalikasan.Maraming experto ang nagsasabing dulot ng climate change kaya ganito kalakas na ang mga bagyo. hayss Napapaluha nalamang ako alam ko marami sa ating kababayan OFW na tulad ko ang nagiisip ng paraan pano makakatulong.
Kahit nga kami ng asawa ko naguusap pano makakatulong sa mga nasalanta ng bagyo pero wala kami magawa. di ako tumigil sabi ko sa sarili ko kahit sa sarili kong paraan ipapadama ko maging sa simpleng Blog na to Ipapaabot ko at kung maaring sa lahat ng makakabasa nito ikalat para makarating at makapag bigay lakas ng loob sa ating mga kababayan lalo na sa Tacloban na nasentro ng Bagyo. Alam ko babangon tayo at makakaraos Pilipino pa! Maraming Bansa ang nag paabot ng tulong na ang hiling ko lamang at ipinagdadasal na magamit ng wasto at mapunta talaga sa mga nangangailangan tama na muna ang kurakot isipin natin na lahat ng tulong galing sa ibang bansa ay maiparating sa taong para magamit nla panimula at pag harap sa bagong umaga. Muli po sa lahat ng namatayan at nagluluksa taos puso po akong nakikiramay naway sa maikling Blog ko na ito maipadama ko at sampo ng aking mga mahal sa buhay ang aming pakikiramay. Bangon Pilipinas...




.jpg)

.jpg)
.jpg)
