Wednesday, August 21, 2013

Bakit nga ba ko nag susulat sa blog?


Bakit nga ba ko nagsusulat sa blog?Napadpad ako dito Dahil sa isang blog din na nabasa ko ang sinulat tungkol dun sa Pork barrel scam.http://dulzspeaks.blogspot.com/2013/08/anonymous-speaks-pork-barrel-scam.html?m=1 eto yung link pakitignan nyo nalang din .Dati isa lang akong tao na mahilig magbasa sa mga blogs ng iba from nature tripping to music hangang napadpad ako sa hot issue ngayun tungkol sa mga Politikong buwaya sa kayamanan at sa kapangyarihan..Napaka sakit tangapin na ultimo yata pamunuan ng pedicab driver hangang sa pinaka mataas na pamunuan ng gobyerno eh may mga buwaya. Nakakagalit basahin dun sa blog na nabasa ko kung gaano kalaki ang ninanakaw ng mga politiko na para sana sa mga kababayan nating magsasaka,






mangingisda at mga kabataang hikahos sa buhay na kailangan pang mag tinda ng pandesal para lamang matustusan ang pag aaral. Kinain na nga tayo ng sistema pati nga baha kinakain na tayo ng pakonti konti. Di pa yung mga politiko na involved sa scam na yun ang tangayin ng baha ng mabawasan ang mga magnanakaw sa Kaban ng bayan. May computation pa nga kung gaano kalaki ang ninanakaw sa kaban ng bayan. Isipin mo ang pera na dapat ilaan sa Kalusugan, edukasyon at pang agrikultura na dapat makakatulong kahit manlang sana pambili ng dagdag butong pananim eh di nakakarating sa atin. Hays lumaki ako sa isang lugar kung saan ang ikinabubuhay ng tao ay pagbubukid at pangingisda kaya ganito nalang ang hinanakit ko sa aking nabasa. Ngayun eh nagsisimula nanaman magbalangkas ng bagong Budget para sa  susunod na taon ang DOB mga 2.3 trillion di na nga sinulat nung nabasa ko ang mga ZERO kasi madami nga..Malaki laki nanaman to naka abang nanaman ang mga mangungulimbat maigi pa si robin hood pag naka nakaw eh pinapamahagi sa mahihirap etong mga politikong ito Bahay sa Ayala at Forbes ang iniintindi. (ang mga mahihirap ulam kinabukasan iniisp). Tsktsk grabe Noh? para tuloy minsan ang sarap balikan ng pag kabata na wala kang iniisip na kung ano ano. Sana sa makakabasa nitong blog na to kung kamag anak ka man ng ilan sa mga politikong sangkot sa isyu na to just give time to reflect ihingi mo ng tawad at ituwid mo ang mga pagkakamali nila. At para dun sa Napoles na yun di naman ako galit sayo 30% lang naman kita mo sa kanila mabait ka pa nga eh kasi binibigyan mo sila ng discount db? Ilabas mo ang totoo para atleast naman mabawasan ang kasalanan mo. 

Taken from http://www.rappler.com









Para sa mga sangkot sa kabulastugan na to ======> Ang sakin lang eh: F^@K Y*&%  Sagad

No comments:

Post a Comment