Tuesday, November 12, 2013

Kaya natin to! Pilipino pa...Bangon Pilipinas!

        Ang hirap ipaliwanag ng aking nararamdaman sa tuwing nakikita ko sa telebisyon man o sa mga larawang naka post sa ibat ibang social media site. Nakakapang hina pag masdan ang mga kababayang kong tila wala na pagasa makabangon muli pero nilalagay ko sa isip ko di pwede basta tayo susuko pilipino pa!

sambit ko nga sa sarili ko. Masakit isipin paano kong sarili kong pamilya ang dumanas ng ganitong delubyo di ko yata mapapatawad sarili ko kung may mangyayari sa kanila. Hays. Kakatapos lang ng gulo sa Zamboanga, Nasundan ng mapanirang lindol sa bohol tapos eto pa ang deubyong dala ng Bagyong #Yolanda na tila ba isang pagpapadama ng kalikasan na dapat na gumising ang samabayanan at iwasan na ang matinding pag abuso sa kalikasan.Maraming experto ang nagsasabing dulot ng climate change kaya ganito kalakas na ang mga bagyo. hayss Napapaluha nalamang ako alam ko marami sa ating kababayan OFW na tulad ko ang nagiisip ng paraan pano makakatulong.

 Kahit nga kami ng asawa ko naguusap pano makakatulong sa mga nasalanta ng bagyo pero wala kami magawa. di ako tumigil sabi ko sa sarili ko kahit sa sarili kong paraan ipapadama ko maging sa simpleng Blog na to Ipapaabot ko at kung maaring sa lahat ng makakabasa nito ikalat para makarating at makapag bigay lakas ng loob sa ating mga kababayan lalo na sa Tacloban na nasentro ng Bagyo. Alam ko babangon tayo at makakaraos Pilipino pa! Maraming Bansa ang nag paabot ng tulong na ang hiling ko lamang at ipinagdadasal na magamit ng wasto at mapunta talaga sa mga nangangailangan tama na muna ang kurakot isipin natin na lahat ng tulong galing sa ibang bansa ay maiparating sa taong para magamit nla panimula at pag harap sa bagong umaga. Muli po sa lahat ng namatayan at nagluluksa taos puso po akong nakikiramay naway sa maikling Blog ko na ito maipadama ko at sampo ng aking mga mahal sa buhay ang aming pakikiramay. Bangon Pilipinas...

Wednesday, August 28, 2013

Na-Pulis na si NAPOLES


Tila isang eksena sa teleserye ang biglaang paglitaw ng tinaguriang Pork Barrel scam Queen na si Mrs. Napoles. She was in Metro Manila sambit ng magiting na Kalihim ng DILG Mar Roxas sa isang interview sa Radyo. Ang galing diba? tila humihina o talagang mahina ang Intelligence ng ating kapulisan at lahat ng sangay ng gobyernong nag hahabol sa tinaguriang Porkbarrel Scam queen. Nasa tuwaran lang pala di pa nakita. Di kaya nagpaparty pa sila gamit ang pera ng taong bayan. Tsk tsk mukang my moro-morong magaganap ah. Di kaya nasa likod lang ng bahay si Napoles o sa Malacanang nagtago? ano sa tingin nyo? Hay Ang tanong ng taong bayan ay eto anong mangyayare? anong kasunod ng tila teleserye na to? Di kaya sa panahong nawawala si Napoles eh gumagawa na sila ng plano pano malulusutan tong napaka laking usapin na sangkot ang mga Senador at Congessman? Nako po dyos ko patawarin kawawa nanaman ang taong bayan. Sana eh may mangyari naman at managot sa mga kasalanang ito. Kawawa ng ang taong bayan lagi nalang tayo nalilinlang. Nag labas ng pabuya 10M sabi ko pa nga sa sarili ko kung ako kaya makahuli sa kanya ibibigay kaya yung pabuya na yun..hahaha Grabe napapailing nalang ako di kaya sobra na talino ng mga taong to? Talino na di nagagamit sa kabutihan bagkos sa panglalamang pa sa kapwa. Sarap sana iharap sa publiko tong si Napoles sa harap ng mga Magsasaka, Mangingisda at mga mang gagawang pilipino na hangang sa kasulukuyang oras na to eh nagsasaka o nanghuhuli pa ng kanilang ihahain sa hapag kainan.
 Please lang po Mrs Napoles sanay makonsensya ka at ipag tapat ang buong katotohan at nang maparusahan ang lahat ng sangkot sa Scam na ito. Lalong nag hihirap ang ating bansa kailangan na ng pagbabago at magsisimula ito sa pag papakulong o pagkakaparusa sa mga sangkot dito. Aminin mo na ang totoo at yan ang magpapalaya sayo Mrs. Napoles. At sa ating Pangulo Noynoy panahon na para ipaalam at pangunahan ang daang matuwid na sinasabi mo parusahan ang dapat parusahan kahit pa senador o congressman kapartido man, kamag anak man o hindi manindigan po sana kayo sa katotohanan. Patunayan mo ang slogan mo......

Nag ngingit - ngit na sa galit ang taong bayan, Maging ang mga nasa ibang bansa mga ofw na sawang sawa na sa balitang kurapsyon ay  nakikiisa sa laban sa Pork barrel issue na to. Dapat na ibasura ang Porkbarrel/ PDAF nagiging mitsa lang ito ng kurapsyon. Magkaroon ng malinaw na plano at tapat na pag popondo dito na tutulong maiahon sa kahirapan ang mahihirap ng Pilipino.





Wednesday, August 21, 2013

Bakit nga ba ko nag susulat sa blog?


Bakit nga ba ko nagsusulat sa blog?Napadpad ako dito Dahil sa isang blog din na nabasa ko ang sinulat tungkol dun sa Pork barrel scam.http://dulzspeaks.blogspot.com/2013/08/anonymous-speaks-pork-barrel-scam.html?m=1 eto yung link pakitignan nyo nalang din .Dati isa lang akong tao na mahilig magbasa sa mga blogs ng iba from nature tripping to music hangang napadpad ako sa hot issue ngayun tungkol sa mga Politikong buwaya sa kayamanan at sa kapangyarihan..Napaka sakit tangapin na ultimo yata pamunuan ng pedicab driver hangang sa pinaka mataas na pamunuan ng gobyerno eh may mga buwaya. Nakakagalit basahin dun sa blog na nabasa ko kung gaano kalaki ang ninanakaw ng mga politiko na para sana sa mga kababayan nating magsasaka,






mangingisda at mga kabataang hikahos sa buhay na kailangan pang mag tinda ng pandesal para lamang matustusan ang pag aaral. Kinain na nga tayo ng sistema pati nga baha kinakain na tayo ng pakonti konti. Di pa yung mga politiko na involved sa scam na yun ang tangayin ng baha ng mabawasan ang mga magnanakaw sa Kaban ng bayan. May computation pa nga kung gaano kalaki ang ninanakaw sa kaban ng bayan. Isipin mo ang pera na dapat ilaan sa Kalusugan, edukasyon at pang agrikultura na dapat makakatulong kahit manlang sana pambili ng dagdag butong pananim eh di nakakarating sa atin. Hays lumaki ako sa isang lugar kung saan ang ikinabubuhay ng tao ay pagbubukid at pangingisda kaya ganito nalang ang hinanakit ko sa aking nabasa. Ngayun eh nagsisimula nanaman magbalangkas ng bagong Budget para sa  susunod na taon ang DOB mga 2.3 trillion di na nga sinulat nung nabasa ko ang mga ZERO kasi madami nga..Malaki laki nanaman to naka abang nanaman ang mga mangungulimbat maigi pa si robin hood pag naka nakaw eh pinapamahagi sa mahihirap etong mga politikong ito Bahay sa Ayala at Forbes ang iniintindi. (ang mga mahihirap ulam kinabukasan iniisp). Tsktsk grabe Noh? para tuloy minsan ang sarap balikan ng pag kabata na wala kang iniisip na kung ano ano. Sana sa makakabasa nitong blog na to kung kamag anak ka man ng ilan sa mga politikong sangkot sa isyu na to just give time to reflect ihingi mo ng tawad at ituwid mo ang mga pagkakamali nila. At para dun sa Napoles na yun di naman ako galit sayo 30% lang naman kita mo sa kanila mabait ka pa nga eh kasi binibigyan mo sila ng discount db? Ilabas mo ang totoo para atleast naman mabawasan ang kasalanan mo. 

Taken from http://www.rappler.com









Para sa mga sangkot sa kabulastugan na to ======> Ang sakin lang eh: F^@K Y*&%  Sagad