Tila isang eksena sa teleserye ang biglaang paglitaw ng tinaguriang Pork Barrel scam Queen na si Mrs. Napoles. She was in Metro Manila sambit ng magiting na Kalihim ng DILG Mar Roxas sa isang interview sa Radyo. Ang galing diba? tila humihina o talagang mahina ang Intelligence ng ating kapulisan at lahat ng sangay ng gobyernong nag hahabol sa tinaguriang Porkbarrel Scam queen. Nasa tuwaran lang pala di pa nakita. Di kaya nagpaparty pa sila gamit ang pera ng taong bayan. Tsk tsk mukang my moro-morong magaganap ah. Di kaya nasa likod lang ng bahay si Napoles o sa Malacanang nagtago? ano sa tingin nyo? Hay Ang tanong ng taong bayan ay eto anong mangyayare? anong kasunod ng tila teleserye na to? Di kaya sa panahong nawawala si Napoles eh gumagawa na sila ng plano pano malulusutan tong napaka laking usapin na sangkot ang mga Senador at Congessman? Nako po dyos ko patawarin kawawa nanaman ang taong bayan. Sana eh may mangyari naman at managot sa mga kasalanang ito. Kawawa ng ang taong bayan lagi nalang tayo nalilinlang. Nag labas ng pabuya 10M sabi ko pa nga sa sarili ko kung ako kaya makahuli sa kanya ibibigay kaya yung pabuya na yun..hahaha Grabe napapailing nalang ako di kaya sobra na talino ng mga taong to? Talino na di nagagamit sa kabutihan bagkos sa panglalamang pa sa kapwa. Sarap sana iharap sa publiko tong si Napoles sa harap ng mga Magsasaka, Mangingisda at mga mang gagawang pilipino na hangang sa kasulukuyang oras na to eh nagsasaka o nanghuhuli pa ng kanilang ihahain sa hapag kainan.
Please lang po Mrs Napoles sanay makonsensya ka at ipag tapat ang buong katotohan at nang maparusahan ang lahat ng sangkot sa Scam na ito. Lalong nag hihirap ang ating bansa kailangan na ng pagbabago at magsisimula ito sa pag papakulong o pagkakaparusa sa mga sangkot dito. Aminin mo na ang totoo at yan ang magpapalaya sayo Mrs. Napoles. At sa ating Pangulo Noynoy panahon na para ipaalam at pangunahan ang daang matuwid na sinasabi mo parusahan ang dapat parusahan kahit pa senador o congressman kapartido man, kamag anak man o hindi manindigan po sana kayo sa katotohanan. Patunayan mo ang slogan mo......
Nag ngingit - ngit na sa galit ang taong bayan, Maging ang mga nasa ibang bansa mga ofw na sawang sawa na sa balitang kurapsyon ay nakikiisa sa laban sa Pork barrel issue na to. Dapat na ibasura ang Porkbarrel/ PDAF nagiging mitsa lang ito ng kurapsyon. Magkaroon ng malinaw na plano at tapat na pag popondo dito na tutulong maiahon sa kahirapan ang mahihirap ng Pilipino.

.jpg)

.jpg)
.jpg)
