Nakakasawa na! Tama na sobra na! Mahirap pa rin kami! ilan lamang sa maririnig mo sa isang pangkaraniwang pilipino kapag mapaguusapan ang politika o gobyerno sa ating bansa. Pero ang tanong ano naba talaga ang kalagayan ng politika at gobyerno sa ating bansa? Kung ako tatanungin isang malaking " MASAMA" masakit mang tangapin ang katotohan eto na talaga ang muka ng politika sa ating bansa. Ewan ko ba kung muka ng buwaya o ungoy
![]() |
| Matalinong matsing |
eh sa gulang at kasibaan, dito tlga maihahalintulad ang ilang politiko na sinasamantala ang kapangyarihan para mag kaman ng milyong milyong yaman. Mula sa fertilizer scam, ZTE at ngaun PORK BARREL / PDAF
di naba tayo natuto? di naba tayo nag tanda? PAULIT ULIT NALANG!!!! May mag bubunyag ng katiwalian pagkatapos may mga malalaking pangalang sangkot tapos magsasagawa ng mga pagkilos bandang huli walang mapaparusahan. Taong bayan pa rin ang talo. Bulok na talaga ang sistema ultimo sa pinaka mababang sangay ng pamahalaan nagaganap ang mga katiwalian. Ayon nga sa isang website na nagaaral tungkol sa kurapsyon sa bansa pang #39 tayo sa pinaka corrupt na bansa sa buong mundo.http://m.ranker.com/list/the-most-corrupt-countries-in-the-world/info-lists?page=1 nakakahiya! dati eh kinikilala at tinitingala ang ating bansa. Sana naman sa pagkakataong ito ay maparusahan na at may pag babago nang maganap at sana din huling Balita na ito ng kurapsyon sa ating bansa. Kaya ang hamon sa bawat isang pilipino makiisa laban sa Kurapsyon maging mapag matyag lalo na sa mga politiko, taong bayan ang naglagay sa pwesto dapat taong bayan ang paglingkuran nila di yung pangsarili nilang interes ang inuuna. Sana sa mga makatotohanang proyekto ilaan ang mga pondo na nagmula din sa buwis ng taong bayan. PROYEKTONG DERETSONG MAPAPAKINABANGAN NG TAO.
.jpg)


No comments:
Post a Comment